Sino ako…? O, Kinsa ako…? (revised)
Sino Ako…? O Kinsa Ako…?
By: James Beni Wilson
Ang lahat ng tao ay mayroong mga natatanging tao sa kanilang buhay gaya ng kamag-anak, kaibigan, o kasintahan.
May kwento po ako tungkol sa nakaraang buhay ko. Ipinanganak ako sa Tabogon, Cebu at iniwan ako ng mga tunay kong magulang marahil dahil sa hindi nila ako kayang alagaan.
Dahil sa Bethany Christian Adoption Services, nakilala ko ang isang pamilyang napakabait na gusto akong alagaan. Tatlong taon ako noong dumating ako sa Amerika at naging mga mag-anak ko sina G. Jim at Gng. Annette Wilson, ang mga magulang ko, at sina Bb. Jen at G. Ken, ang mga kapatid ko.
Labing pitong taon ako noong nagumpisang makilala ko ang mga Pilipino rito sa Michigan. Kapagnakilala ko si Tita Rose Tutay, ihatid niya ako sa Paaralang Pilipino. Nagpapasalamat ako na mayroon palang Filipino Center na naging bahagi ng aking buhay.
Tuwang-tuwa ako tuwing linggong pumupunta ako rito para mag-aral ng wikang Pilipino, Filipino American History at iba pang bagay tungkol sa Pilipinas. Marami din akong nakilalang mga kaibigan at ibang tao na naging malapit sa akin at tinanggap ako na isa sa kanilang mag-anak.
Naguusap kami tungkol sa buhay ng mga Pilipino dito sa Amerika at sa Pilipinas. Dahil ito, gusto kong umuwi para makita ko ang aking pamilya, ina, ama, at mga kapatid kung mayroon pang iba. Nais kong hanapin sila para sagutin ang aking mga tanong kung saan ako nanggaling at sinu-sino ang aking ibang pamilya.
Kung mangyayari ito, malalaman ko kung ako ay talagang Pilipino.
Sana nga ito ay totoo.
Translated into English (Context)
Who Am I…? Or Kinsa Ako?
By: James Beni Wilson
Everyone has special people in their life that is like family, friends or significant other.
I have a story about my early life. I was born in Tabogon, Cebu and I was left by my biological family maybe because they were unable to take care of me.
Because of Bethany Christian Adoption Services, I met a family that was good and wanted to take care of me. I was three years old when I arrived here in America and my family became Jim and Annette, my parents, and Kenny and Jennifer, my siblings.
I was seventeen when I started meeting other Filipina/os here in Michigan. When I met Rose Tutay, she brought me to Filipino School. I am thankful that there is a Filipino Center that has become a part of my life.
I enjoy coming here every Sunday to study Filipino language, Filipino American history and other things about the Philippines. I have met many friends and other people who have become close to me and accepted me as one into their family.
We talk about lives of Filpina/os here in America and in the Philippines. Because of this, I want to go home to see my other family, mother, father, and siblings if there are others. I want to find them to answer my questions about where I came from and who is my other family.
If this happens, I will know if I am really Filipino.
Hopefully this is true.
